MGA SINAUNANG PILIPINO
Noong unang panahon, mapayapa at masaganang namumuhay sa Pilipinas ang ating mga ninuno. Kabilang na dito ang mga MALAY, NEGRITO at INDONES.
Ang mga sinaunang Pilipino ay may mga sarili nang kultura. Ngunit ang lahat ng ito’y unting unti nang nawawala dahil sila ay naimpluwensyahan ng mga dayuhanng nanakop sa Pilipinas. Ilan sa mga mananakop ay ang mga KASTILA, AMERIKANO AT MGA HAPONES.
Mga Mananakop sa PILIPINAS: Mga Kastila
Hindi maikakaila na may sarili ng kabihasnan ang mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Subalit sinira ng mga Kastila ang mayabong na kabihasnan ng ating mga ninuno dahil sa kanilang paniniwala na ang kanilang sibilisasyon ay superyor. Pinilit ng mga mananakop na Kastila na tanggalan ng sariling pagkakakilanlan ang ating mga ninuno. Sa unang pagkakataon, tinanggalan ng sariling kasaysayan ang mga Pilipino.
Mga Amerikano
Mga Hapones
Kung mayroon mang matatawag na pinakamasaklap na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ito na marahil ang panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Nang nilusob ng Hapon ang Maynila noong 1942, maraming buhay at gusali ang gumuho at nawala. Ang panahon ng Hapon, 1941-1945, ay mapusok, madugo, malupit at nakakatakot .
Malaki ang nabago sa kultura at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sila’y naimpluwensyahan ng mga kaugaliang masasama galing sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. Ilan sa mga naging bunga nito ay ang sumusunod:
Pananamit Ng Mga Pilipina NOON
Dito, makikita natin ang paraan ng pananamit ng mga Pilipina. Ito ay may mahahaba na palda at may manggas.
Dito naman, makikita natin ang paraan ng pananamit ng mga Pilipina. Ito ay maiiksi na palda at nakikita ang dibdib at tiyan.
Mga Kilos Ng Mga Pilipina NOON
Dito,makikita natin na sadyang mayumi at mahiyain ang mga Pilipina NOON. Disiplinado sila NOON.
Dito naman, makikita natin na hindi na mahinhin ang mga Pilipina at hindi na masyadong nahihiya. At hindi inisip ang kanilang ginagawa, dala ng impluwensya ng mga dayuhang sumakop
sa Pilipinas
Ang Kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bakit pa kailangan nating gumaya sa iba kung mayroon na tayong sariling atin-produkto, pananamit, katangian, kilos…Kung sa bagay hindi naman nating maiwasang makisunod sa uso sa ibang bansa diba? Pero alalahanin nating mayroon pa rin tayong sariling atin na mas nakakalamang sa ibang bansa- ANG PAGIGING PINOY! Kaya taas noo natin itong ipagmalaki at tandaan ang katangian ng pinoy ay nasa sa iyo na kung ito’y gagamitin mo sa tamang pamamaraan.
Ipinasa nila:
Bayana,Janica Marie
Becera,Anelyn
Bobon, Anjie
Bautista, Yvonne
Abarca, Lebbeus
Amihan, Jhunne Rey
Bolasco, Jeoffrey
Cubillan, John Levi
Silvosa, Aljon
I-Einstein
S,Y. 2007-2008
Ipinasa kay:
Gng. Fe M. Bonono
Guro sa Asignaturang Filipino
Default Design
Maple
Free register and download UseNet downloader, then you can free download from UseNet.
Download "MGA SINAUNANG PILIPINO" from Usenet!Next: Default Design
ip:208.43.192.33
refer:http://happytreeflash.com/sinaunang-tao-ppt.html
time:22 month ago
tag:kasaysayan ng pilipinas,ang ating mga ninuno,ating mga ninuno,sinaunang pilipino,malaki ang,mga dayuhang sumakop sa pilipinas,mga kastila,sibilisasyon,kabihasnan ang,amerikano,ng mga,maynila,unting,mayumi,negrito,galing,unti,bunga,sila,1941
